Pelikulang Pinoy

Marami ang nagrereklamo kung paanong nawawala na ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Walang kuwento, mga linyang korni, artistang pare-pareho na nagpapa-cute lang, at nakangingiwing special effects.

Kaya ako’y nagulat at natuwa nang mapanood ko ang ilang Pinoy Classics – mga obra ni Lino Brocka, Mike de Leon, at Ishmael Bernal. Simple lang ang pagkakagawa pero talagang pinag-isipan ang mga dayalogo at takbo ng kuwento.

Pinuri kung paanong repleksiyon ng realidad ang “Bona” o “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.” Nakalulungkot lang na habang pinapanood ko ito’y nakita ko na ang bansa, lalo na ang Maynila, ay nasa ganoong kalagayan pa rin. Parang walang pinagbago. Sadlak pa rin sa kahirapan.

Iyan ang ninanais ng mga intelektuwal mula sa mga palabas – iyong realistic, nagbibigay ng kamulatan, at kapupulutan ng aral. Ngunit iyan mismo ang gustong kalimutan ng mga tao. Ang takasan kahit sandali ang mga problema, ang katotohanan. Iyon bang hindi na kailangang mag-isip.

May nagsabing mas madaling kontrolin ang mga taong hindi nag-iisip. Marahil ang media, ang industriya ng Pinoy films, at mismong gobyerno natin ay nagkaisang subuan tayo ng kababawan para mas madali tayong i-kontrol, mas madaling utuhin. Ito ba talaga ang gusto natin?

Advertisements

Author: Ryan Bestre

Environmentalist. Teacher. Writer.

6 thoughts on “Pelikulang Pinoy”

  1. Para naman sa akin: hindi kailangan ng socio-politcal na paksa para makabuo ng isang magandang pelikula. Romance man iyan o comedy, dapat maganda ang pagkakagawa sa pelikula. Ano man ang paksa, kung maganda ang pelikula, mag-iiwan pa rin ito ng kahulugan sa mga manonood na maaaring may kinalaman sa lipunan o kahit sa kanilang mga personal na buhay.

    Nakakainis isipin na mabenta ang palusot na ginagamit ng mga producer: Ayaw ng mga Pinoy ng mabigat na kwento; gusto nila magaan lang at entertaining. Kaya naman, gagawa ang mga ganid na ito ng mga walang kakwenta-kwentang pelikula.

    Pero hindi ako naniniwala na kapag enterntaining at hindi socio-politcal ang paksa ay walang kwenta ang pelikula. Ang Heneral Luna ay may kwenta pero entertaining at educational pa. Ang Sana Dati (na idinirehe rin ni Jerrold Tarog) ay love story pero may novelty sa pagkakawento at atake sa paksa.

    Sa makatwid, tamad lang ang mga producer na gumawa ng dekalibreng pelikula. Bobo daw kasi ang mga Pinoy.

    Pero hindi ako naniniwala dito.

    Liked by 1 person

    1. Sa isang sharing ni Pepe Diokno, nabanggit niya na ang mataas na entertainment tax ang isa sa dahilan kung bakit ang producers ay pinipiling gumawa ng mababaw na pelikula na sigurado ang kita. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinipili itong panuorin ng mga Pinoy… Anyway, ano ang mga top picks mo na Pinoy films?

      Like

  2. Hati ako sa sinabi ni Pepe Diokno. Kaya ng mga Pinoy na maka-appreciate ng dekalided na pelikula. Patunay na diyan ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa ilang mga dekalibreng banyang pelikula. Para sa kin, hindi excuse yan para hindi sila gumawa ng magandang pelikula.

    Sa kabilang banda, marami pa akong dapat mapanood na Pinoy films. Ang problema, hindi mo sila mapapanood kung di mo sila sasadyain sa mga pocket screening o festival.

    Nevertheless, sa Pinoy films ito ang mga paborito ko. Mahirap kasi andami nila pero eto:

    Sa historical: Heneral Luna
    Hindi ako fan ng mga preachy na pelikula. I want the message to come across as indirectly as possible. Pero para sa paggising sa interes ng mga tao sa kasaysayan, kesyo tumpak man ang sinasabi sa pelikula o hindi, isama mo na ang entertainment value ng film at ang pagkamulti-dimensional ng hero o antihero nito, aprub sa akin ang film na ito.

    Sa romance: Sana Dati
    Ito yung pelikula na emotional pero walang maraming sinasabi. Napaka raw ng mga scenes at script. May novelty sa narrative at hindi predictable. Maraming pagkakaton sa movie na parang tatahakin niya yung formula pero babaliin niya yun. Ang mga characters ay talagang tao. Hindi empty ang mga action ng mga karakter. May simbolismo. At ang pag-ibig dito, hindi perpekto. Pero pag-ibig yun. Sakit sa puso nito kahit hindi ka in-love.

    Sa Horror/Suspense: Kisapmata
    Kakaiba ito. Nakakatakot siya ng hindi siya trying hard manakot. Hindi naman talaga to horror. Kasi yung takot circumstancial at atmospheric. Psychological thriller to actually. You fear for the life of the characters in dire situations with evil in the form of a human among them. Base ito sa totoong massacre. Carlo Caparas should take a class under Mike De Leon.

    Drama: Norte, Ang Hangganan ng Kasaysayan
    Hindi ako fan ng slow cinema ni Lav Diaz dahil hindi ko kayang magspend ng 12 oras para pagmasdan ang isang dilag na maglakad sa bukid o sa bundok ng sampu o 15 minuto. In short, wala pa siguro akong pasensya sa ganoong kahahabang pelikula. Pero exception itong Norte, dahil ito na yata ang pinakamaikling pelikula ni Lav Diaz at inspired ito ng favorite novel ko na Crime and Punishment. Pero hindi gaya ng novel ni Dostoevsky, walang redemption ang main character ni Lav. Pero just the same, affecting ang mga characters at ayun, gaya ng nobela, may napulot na naman ako (mula sa pelikula) na gumulo, pumukaw sa isip ko ng isang linggo.

    Action: On The Job
    Unpredictable ang ending. Oks ang placement ng mga characters at dynamics nila sa kwento. Yung parallelism ng dalawang characters pati yung differences nila gusto ko. Socio-political ang pelikula pero hindi naman masyado preachy. At gusto ko kasi noir genre films.

    Well, ayan sila. Pero baka may nakalimutan pa ako e. 🙂

    Liked by 1 person

    1. Wow, salamat sa pagsha-share. Actually napanood ko lahat ng paborito mo except for ‘Sana Dati’ (and I’ll definitely check that out). And yes, these films on your list among other great Pinoy movies are worth watching and we should be seeing more of these in the cinemas. 🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s