Ingay

Napakaingay
Nakabibinging katahimikan
Mula sa walang pakialam
Walang humpay na talak
Ng nagmamagaling
Diskusyon ng intelektuwal
Pagpipintas at pangungutya
Ng walang magawa
Kanya-kanyang pananaw
Kanya-kanyang paliwanag
Batuhan ng kuru-kuro
Ng sentimiyento
Ng mga baho
Sino ang mas magaling?
Sino ang tama?
Sino ang santo?
Sino ang panalo?
Tanda ng kamulatan?
O pawang katangahan?
Nakakalito
Nakakahilo
Kanino maniniwala?
Sino ang nagsasabi ng totoo?
Alamin, makialam, magtanong
O mas mainam ba
Na manahimik na lamang
At wag ng dumagdag
Sa kalansing ng latang walang laman?
Advertisements

Author: Ryan Bestre

Environmentalist. Teacher. Writer.

3 thoughts on “Ingay”

  1. Matagal na rin itong nasa isip ko. Minsan hindi ko na alam kung may saysay pa bang makipagdiskusyon kung wala namang nakikinig. Nakakapagod. Pero ayaw ko ring ipagsawalang bahala na lang ang mga nangyayari. Nakakalito.

    Liked by 1 person

    1. Ika nga, perception and reality are two different things. Pero ang nangyayari, one’s perception is one’s reality kaya chaos talaga. At tama ka, bihira iyong nakikinig sa panahon ngayon.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s