Ingay

Napakaingay
Nakabibinging katahimikan
Mula sa walang pakialam
Walang humpay na talak
Ng nagmamagaling
Diskusyon ng intelektuwal
Pagpipintas at pangungutya
Ng walang magawa
Kanya-kanyang pananaw
Kanya-kanyang paliwanag
Batuhan ng kuru-kuro
Ng sentimiyento
Ng mga baho
Sino ang mas magaling?
Sino ang tama?
Sino ang santo?
Sino ang panalo?
Tanda ng kamulatan?
O pawang katangahan?
Nakakalito
Nakakahilo
Kanino maniniwala?
Sino ang nagsasabi ng totoo?
Alamin, makialam, magtanong
O mas mainam ba
Na manahimik na lamang
At wag ng dumagdag
Sa kalansing ng latang walang laman?

Pelikulang Pinoy

Marami ang nagrereklamo kung paanong nawawala na ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Walang kuwento, mga linyang korni, artistang pare-pareho na nagpapa-cute lang, at nakangingiwing special effects.

Kaya ako’y nagulat at natuwa nang mapanood ko ang ilang Pinoy Classics – mga obra ni Lino Brocka, Mike de Leon, at Ishmael Bernal. Simple lang ang pagkakagawa pero talagang pinag-isipan ang mga dayalogo at takbo ng kuwento.

Pinuri kung paanong repleksiyon ng realidad ang “Bona” o “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.” Nakalulungkot lang na habang pinapanood ko ito’y nakita ko na ang bansa, lalo na ang Maynila, ay nasa ganoong kalagayan pa rin. Parang walang pinagbago. Sadlak pa rin sa kahirapan.

Iyan ang ninanais ng mga intelektuwal mula sa mga palabas – iyong realistic, nagbibigay ng kamulatan, at kapupulutan ng aral. Ngunit iyan mismo ang gustong kalimutan ng mga tao. Ang takasan kahit sandali ang mga problema, ang katotohanan. Iyon bang hindi na kailangang mag-isip.

May nagsabing mas madaling kontrolin ang mga taong hindi nag-iisip. Marahil ang media, ang industriya ng Pinoy films, at mismong gobyerno natin ay nagkaisang subuan tayo ng kababawan para mas madali tayong i-kontrol, mas madaling utuhin. Ito ba talaga ang gusto natin?

Kalayaan

Ngayon ba?
Ngayon ba ang Araw ng Kalayaan?
Hindi sa July 4?
At ano bang ibig sabihin nito?
Tunay ka nga bang malaya?
At hindi dinidiktahan ng estado mo sa buhay?
Ng kursong tinapos mo?
Kung saan ka nagtapos ng pag-aaral?
Kung nakapag-aral ka?
Pero maaari ring nasobrahan ka sa kalayaang iyan.
Paano’y ang hirap mong i-kontrol.
Lahat karapatan mo.
Wala namang kaakibat na responsibilidad.
Bayan kong mahal!
Hindi matapos-tapos ang aking katanungan.
Ganito ba talaga?
Patuloy ka bang igagapos ng kahirapan?
Kahirapang dala ng korupsyon.
Ng kakapalan ng mukha ng mga gahaman.
Ng katamaran.
Ng kamangmangan.
Ng kababawan.
Bayan kong mahal.
Kailan ka tunay na lalaya?

Buhay Maynila

Maynila – magulo, marumi, maingay, mainit, masalimuot. Pero dinadayo. Nandito kasi ang pera. Hindi naman tayo mukhang pera pero kailangan kumayod para mabuhay. Wala ng libre. Magastos at mahal lahat.

Noong una, tuwing nagagawi ako rito, palagi akong nagta-taxi mula bus terminal hanggang destinasyon ko. Tapos taxi ulit pabalik sa terminal. So hindi ako masyadong na-expose sa kung paano talaga ang buhay dito. Medyo paranoid din kasi ako. Mapanganib daw ang lugar, eh.

Ngunit ngayong Manila boy na ako, na-realize kong hindi naman unsafe and lugar. Wag ka lang tatanga-tanga. Dapat madiskarte ka. At marunong magpanggap. Kapag umasta ako dito, may kasamang angas. Iyong confidence ba. At tipong alam mo ang ginagawa mo, o alam mo kung saan ka pupunta kahit sa totoo lang eh clueless ka. Kung hindi, pagti-tripan ka, lolokohin, o kakainin ng buhay.

Laking Baguio ako kung saan malamig. Pero eventually, nasanay na ako sa init. May choice ba ako? Well, generally flexible naman tayo. Madaling mag-adjust.  Nakasanayan ko na rin iyong ingay at gulo. Iyong mga sasakyang trip lang bumusina kahit wala namang point kasi sobrang ma-traffic. Iyong di mo sure kung saan ang loading at unloading zone. Dapat maliksi ka. Sampa sa jeep o bus. Kapit nang mabuti dahil haharurot na ang sasakyan maski di ka pa nakakaupo. Isiksik mo ang sarili mo. Banggahin mo ang ibang tao. Kanya-kanya na ito.

Matututo ka ring maging insensitive o selfish o walang pakialam. Ang hirap magbigay ng upuan sa babae o nakatatanda dahil mamamanhid ang paa mo kakatayo kung malayo pa ang destinasyon mo. Oo nakatayo ka. Kasi ipagpipilitan ng konduktor na “maluwag pa, at makakaupo.” Pero wala na talagang space. Bakit ba natin tino-tolerate ito? No choice nanaman.

Siksikang parang sardinas. Lalo na kung sasakay ka ng MRT. Para kayong naglalaro ng “Doctor Quack-Quack.” Ni hindi ka makagalaw. Tapos maya-maya’y may mararamdaman kang parang may humahawak sa bulsa mo. So hindi mo alam ko dinudukutan ka o hinihipuan lang.

Over populated na talaga tayo. Pero lumingon ka sa kanan, may buntis. Sa kaliwa, isa pang buntis na may kalong na sanggol at may paslit pang nakahawak sa duster niya. Kung sino pa iyong kita mong hirap na hirap palamunin ang mga anak, iyon pa iyong anak ng anak. Sabi ng kaibigan kong NGO worker, kung hindi ma-satisfy ang basic need na kumain, they would resort to something else. Alam mo na iyon.

So saan ang bagsak ng mga batang ito? Sa lansangan. Madungis. Hindi lang itsura, pati mga dila. Ang gagaling magmura. Imbes na pagpasok sa eskuwela ang inaatupag, paglimos at paghingi ang tanging ginagawa.

Speaking of paglilimos, nag-evolve na rin ang paghingi ng pera. Mayroong may sobre. Mayroong magra-rap. Mayroong may supporting docs ng namatay na kamag-anak at permit daw mula sa barangay. Mayroong may kasamang may kapansanan o baby para dagdag awa effect. May mangangaral mula sa Bibliya, may magba-barker. Iyong mga barkers, ang lalakas ng loob kung mag-demand ng “professional fee.” As if di marunong magbasa ng mga tao at di nila alam ang sasakyang jeep.

Magrereklamo ka sa dumi at panghi ng paligid. Paano’y wala ngang pakialam ang mga tao. Kung saan-saan nagtatapon ng basura. Kung may basurahan naman, aba’y punung-puno na. At dahil madiskarte, no problem kung ihing-ihi. Basta may pader. Maski nga wala. Maski sa sidewalk. Maski nakikita ng madla ang ano mo. Walang pakialamanan!

May mga lugar namang malinis. Tulad ng Makati at Quezon City. Pero kadalasan, mga lugar ito para sa mga sosyal at pa-bourgeois.

Maynila – magulo, marumi, maingay, mainit, masalimuot. Not for the faint of heart, ika nga. Pero masasanay ka rin.

Pagbabago

I wrote this more than ten years ago when I was ranting about the hopelessness of the Philippines. Has anything changed?

Marami ang nagsasabing nagbabago ang lahat ng bagay. Ang weather, ang kulay ng langit at ang mga ulap nito, ang mga puno’t halaman, ang hangin, tubig, at lupa, ang bundok, ang kalikasan, ang teknolohiya, ang uso, ang allowance mo at suweldo ng mga magulang mo, ang presyo ng mga bilihin, ang pamasahe, ang size ng paa mo, ang height at weight mo, ang kaibigan at kaaway, ang girlfriend at boyfriend, ang mga paborito, ang takbo ng buhay.

Kung pisikal na aspeto, madali lang magbago. Magpahaba ka ng buhok o di kaya’y magpakalbo, puwede ring wig kung gusto mo. For a new look, bagong paraan ng pananamit, new fashion, kung baga. Ay, oo, magbihis ka for a change, imbes na blue t-shirt, black na lang. Kung sawa ka na sa pantalon, eh di mag-skirt. At maaari ka ring magpa-sex change, di ka nga lang magkaka-anak maski anong gawin mo, unless may isang genius nanamang makaisip ng paraan. Mayroon na nga ba o sa pelikula lang iyon?

Subalit hindi lahat ng pagbabago ay tanda ng pag-unlad. Ang Pilipinas, halimbawa, ay dumaan sa mahabang proseso ng ebolusyon. Mula sa Ita, Indones, at Malay na di umano’y mga ninuno raw natin (ngunit pinabulaanan na), haluan mo pa ng lahing Espanyol, Hapones, at Amerikano, at anong makukuha mo? Isang Pilipino.

Dahil sa kolonyalismo, narito tayo ngayon sa kinatatayuan natin. Nakabuti ba ang pagbabagong dala nila? Ano nga ba ang mas mainam? Kung di tayo sinakop, marahil ang Pilipinas ay maituturing na sagana sa likas na yaman at di pa sana tuluyang nasira ang ating kalikasan. Ngunit huwag din nating ikaila na kung di dumating ang mga dayuhan, mananatili tayong mangmang, walang alam, uncivilized. Patuloy nating sasambahin ang araw at kalikasan kung hindi naituro ang Kristiyanismo na siyang pinakatanggap na paniniwala kung di man ng mundo, ng Pilipinas.

At ang Pilipinas sa kasalukuyan, patuloy pa ring nagbabago. Puro nga lang pabagsak, pabulusok sa kahirapang tila siyang talagang destinasyon ng bansa. At ang pagbabagong ito’y nagdudulot ng pagbabago sa ibang bagay, iyong bang domino effect. Mababang katumbas ng piso sa dolyar equals mahinang ekonomiya. Isabay mo pa ang pagtaas ng presyo ng langis, susunod na tataas ang pamasahe; magiging mahal ang mga bilihin, ngunit di naman tumataas ang suweldo.

Sa desperasyong manatiling buhay, survival of the fittest nga naman, kakapit nalang sa patalim. Ibebenta ang sarili o sariling anak, magnanakaw, papatay, magpu-pusher, kakalbuhin ang bundok, mangungurakot, luluwas ng bansa legal man o illegal na paraan… Masisisi ba natin sila? Kung tutuusin, dalawa lang naman ang option – ang mabuti ngunit mahirap na paraan at ang paraang masama ngunit instant milyonaryo naman. Tiyaga? Medyo kulang yata tayo nun. Kaya nga may instant noodles, instant coffee, at kung anu-ano pa. Mahilig kasi tayo sa instant. Kaya marami rin ang sumasali sa lotto, sweepstakes, at iba’t-ibang text-to-win style na sinasamantala ng mga mauutak na corporations.

Ngunit mayroon ding panawagan ang bansang Pilipinas. Kung gusto mo ng magandang pagbabago, baguhin mo muna ang sarili mo. Ah, kay daling sabihin, mahirap gawin. Kung ganoon kadali ang pisikal na pagbabago, bakit animo’y suntok sa buwan ang pagbabago sa sarili, ng pagkatao? Marahil, mahirap kasing tumabingi sa nakasanayan.

At kung ugali ang tinutukoy, ibang usapan na iyan. Ang ugali kasi o pagkatao ay tulad sa isang halaman. Kapag itinanim na’t lumaki, mahirap nang hugutin pa. Paano’y malakas na ang kapit ng mga ugat nito sa lupa.

Pero bakit kasi kung ugali ng tao ang pinag-uusapan, ang general perception na pumapasok sa isip ay kasamaan. Likas bang masama ang tao? Sa bawat pagkakamali, ang rason, “tao lang kasi.” Puro excuses! Nagkamali ka, nagkasala, nagsinungaling, nakipag-away, kasi nga tao ka nga lang naman.

Kung gayo’y hopeless case na ba ang sangkatauhan? Lalo na sa Pilipinas na punung-puno ng mga nilalang na may identity crisis. Oo, isa ang Pilipinas sa mga bansang may mainam na batas o konstitusyon. Nakasalalay nga lang ang tagumpay nito sa implementasyon. Sabihin nating kulang lang siguro tayo ng disiplina. Disiplinang kung talaga namang ii-internalize at isasapuso’t isasagawa’y magbubunga ng pag-unlad.

Disiplina? Muli, kulang din tayo niyan. Simpleng batas nga o patakaran, di natin masunod. Sinabing bawal umihi, dun pa mismo sa sign iihi. Tapos ang mga basura, tama bang itapon sa ilog na sana’y pagkukuhanan ng malinis na tubig? Minsan lumalabas na hindi tayo nag-iisip. Unti-unti na tayong kinokonsumo ng katangahan!

Sinasabing lahat ng bagay ay nagbabago. Ngunit kailan kaya matatamasa ang tunay na pagbabago? Ang pagbabagong walang kababawan, iyong hindi lang kunwari, iyong totoo, iyong magdudulot ng kabutihan at kaunlaran.

Oo, kailangang maghintay, dahil ang mabuting pagbabago ay di dapat minamadali. Subalit hanggang kailan? Ilang beses nang sumikat at nagbalik ang bolang apoy sa kanlungan nito. Ang mabusilak na rosas ay bumuka at nalanta, ang buwang araw sa gitna ng dilim ay lumitaw at nawala, tinakwil ng ulan ang init at pawis, at di na mabilang kung ilang beses umikot mundo.

Kailan mamumulat ang mamamayan na hindi lang puro rally and kasagutan sa mga problema? Na walang mangyayari kung iaasa lang natin sa gobyerno o sa iba ang mga hinaing natin. Na hindi telenobela ang sitwasyon natin, hindi drama na sa isang madamdaming pagluha ay mawawala agad ang mga tinik ng buhay. Na kailangang kumilos at gumawa ng paraan. Na dapat tayong maging independent at kahit minsa’y siyang lulutas sa sariling suliranin.

Kailan? Kailan darating ang pagbabago? Ngayon… bukas… sa susunod na araw, susunod na buwan, next year…? Maganda mang isiping habang may buhay, habang hindi nauubos ang numero sa kalendaryo, may pag-asa. Pero wala, nakakasawa na ring maghintay. Hangga’t di nagigising ang mga Pilipino mula sa masarap na pagkakahimlay sa binuong ilusyon, na balang araw ay bubuti ang lahat na parang magic, mananatili tayong sadlak sa ganitong buhay.

Muli’t-muli, ang daling sabihin, ipamukha, ibantayog, at ipaglaban ang lahat ng ito; kay daling mag-demand ng pagbabago… ngunit muli’t-muli rin, kay hirap gumawa ng paraan.

On Being a Filipino

Writing 101 Day 19: Don’t Stop the Rockin’ 
Today is a free writing day. Write at least four-hundred words, and once you start typing, don’t stop. No self-editing, no trash-talking, and no second guessing: just go. Bonus points if you tackle an idea you’ve been playing with but think is too silly to post about.

I am a Filipino. Proud to be one. But there are days when I wonder what being a Filipino really means to me.

A lot of conversations I’ve been having lately with my friends are on various issues afflicting this beautiful country. It indeed is a lovely place. A paradise with its rich natural resources, wonderful beaches, friendly people, delicious food, and everything you could ask for. Almost perfect. But to strike a balance, we also have flaws – corruption, poverty, unemployment, widening gap between the rich and the poor, dying ethnic cultures, lost values, environmental decay, unorganized transport system… Okay, I’m getting ahead of myself. But it can really be frustrating. Frustrating. Hopeless. I’m sounding like an audio on repeat mode. I noticed myself blurting those words ever so often. Maybe because I’m trying so hard to understand what could be wrong. Is there even anything wrong to begin with or is it just me creating all the problems in my head.

I decided to be a teacher and teach for two years in the public school. Maybe that’s the start. To educate the young. That’s what I thought. After the experience, I got even more frustrated. A little hopeful to know that there are people like me trying to do something towards nation-building. But it’s depressing how poverty sneers at you, right up in your face. As you encounter these kids who barely have enough.

I recently bought a book by this Filipino author, Bob Ong.  Well, that’s just his pen name. We don’t know who he really is. If he’s a Filipino or even a person, we can’t tell. Could probably be a group of writers. The whole idea of the series of his books started from a website bobongpinoy which translates to “stupid Filipino.” Now beware, if you say anything negative about the Filipinos, cursing and persecution will be upon you. Filipinos can really be defensive. But Bob Ong’s honest, uncensored truth strikes a nerve. You can be offended, you can be hurt. But you also can’t help but nod and agree.

Like me, Bob Ong tried to make sense of what being a Filipino means. Is it really our culture? Is it merely an influence from all our colonizers? Is it just the way it is and you can’t do anything but to accept it. Our school paper adviser in college said we have identity crisis as a nation. With everything we’ve been through and with all the absurdity we have to deal with each day, sometimes it’s difficult to see who we really are. But I guess I am and will always be a Filipino no matter what.