Ang nakaraan ay tila pilit natin binabaon sa limot at muli lamang naaalala dahil pula ito sa kalendaryo. Tinuturo man sa eskuwela’y di nito nabubuhay ang silakbo ng pagmamahal sa bayan. Tulad ng isang larawan, unti-unting kumukupas sa alaala ang rebolusyon at mga kabayanihang nagawa noon. Nagiging palaisipan kung ano nga bang pinaglaban nila. Simpleng kalayaan mula sa banyagang mananakop? Ang karapatang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan? Ang makawala sa pagkakagapos?
Subalit isang kabalintunaang ngayo’y nakagapos pa rin. Sa kalbaryong pasan araw-araw. Sa kamay ng mga mamumunong pansariling interes ang inuuna. Sa materyalismong pag-iisip. Sa pagsunod sa dikta ng lipunang kinabibilangan.
Huwad na kalayaan nga ba ang mayroon tayo?